SK chair, kinuwestiyon sa pagtakbo bilang SK prexy

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ng isang barangay chairman ang umano’y pagtakbo ng isang Sangguniang Ka­ba­taan (SK) chairman   sa Maynila bilang SK President samantalang hindi naman ito umano resi­dente at botante ng lungsod.

Ayon kay Bgy. Chairman Jose Abrito ng Bgy. 767 Zone 83, wala umanong karapatan si SK Dennis Ibay na tumakbo bilang SK President dahil sa Ma­kati umano ito naka­tira at hindi sa Maynila na tulad ng ipinakakalat ng grupo nito.

Sinabi ni Abrito na kilala niya ang mga nakatira sa kanyang barangay dahil na­nungkulan siya ng tatlong termino simula 1989 at kailanman ay hindi niya nakita duon ang SK President. Muli siyang tumakbong chairman sa nakaraang halalan kung saan tinalo naman niya ang asawa ni 5th District councilor Ric Ibay.

Sa kanyang pagsasa­lita sa convention na di­na­luhan ng mga SK chairman ng 5th district, inakusahan din ni Abrito si Councilor Ibay na nais na pagtakpan ang isyu hinggil sa laptop at ang umano’y pondo ng SK sa panunungkulan naman ng kanyang anak na si Councilor Russel Ibay.

Iginiit ni Abrito na panahon na upang mabago ang sistema at pamunuan ng SK dahil ang mga kabataan ang mga susunod na magiging lider ng bansa. Hindi umano dapat   nagagamit sa anumang ka­­tiwalian ang mga kabataan.

Show comments