26-anyos na kelot nagbigti

MANILA, Philippines –  Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang manggagawa sa water refilling station sa loob ng inuupahan niyang kuwarto sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PO2 Loreto Tigno ang nasawi na si Eric Soria, 26. Natagpuan ng kanyang kasamahang si Jennifer Onate ang nakasabit na bangkay ng biktima gamit ang nylon cord.

Agad umanong tinawag ni Onate ang kayang asawa at kaibigan para putulin ang tali at mabilis nilang dinala ang biktima sa pagamutan subalit hindi na ito umabot nang buhay.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawa nitong pagpapakamatay, habang isinasagawa pa ang imbestigasyon.

Show comments