Casino supervisor kritikal sa saksak
MANILA, Philippines – Nasa malubhang kalagayan ang isang casino supervisor makaraang saksakin ng hindi nakikilalang suspect sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.
Ginagamot ngayon sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Agnes Navarro.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:40 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa may Villamor Airbase habang ang biktima ay pauwi na sa kanilang bahay nang harangin ng suspect. Walang sabi-sabi umanong inundayan ng saksak ng suspect ang biktima at saka iniwan.
Isang Ms. Anino naman ang nagdala sa biktima sa pagamutan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito.
- Latest
- Trending