Malabon, Navotas, 12 oras walang tubig

MANILA, Philippines –  Labindalawang oras na mawawalan ng suplay ng tubig sa mga lugar ng Malabon at Navotas sa darating na araw ng Martes at Miyerkules.

Ayon sa  Maynilad Water­, ang  water interruption  ay dulot ng gagawing upgrading works sa kanilang  pipe network sa  Ma­labon City.? Mula alas-8 ng gabi ng Martes hanggang alas-8 ng umaga ng Miyerkules ang takdang pagkawala ng tubig sa dalawang lunsod dahil sa gagawing interconnection ng isang 300-mm pipeline sa kahabaan ng Tanza Bridge, Women’s Club, sa Malabon City. ?Bunsod nito, ang mga lugar na walang tubig sa Malabon City ay ang Brgy. Hulong Duhat, Bayan-Bayanan, Dampalit, Flores at Baritan at sa Navotas City ay sa Barangay Tanza:

Pinapayuhan ng Maynilad Water ang mga apektadong lugar na ngayon pa lamang ay mag-ipon na ng tubig upang may magamit sa panahon ng water interruption.

Show comments