^

Metro

Ayaw umalis sa inuupahang bahay, kasera pinatay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hindi matanggap ng isang obrero ang pagpapaalis sa kanya sa inuupahang kuwarto kung kaya nagawa niyang patayin sa saksak ang kanyang kasera sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ang biktima na nagtamo ng hindi mabilang na tama ng saksak sa buong katawan ay kinilalang si Apolonio Bardaje, 26, ng Lawin St., Unit 5, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Hinahanting naman ng Quezon City Police ang suspect na si Noel Ocong, 25, na mabilis na pumuga makaraan ang pananaksak.

Ayon sa pulisya, naging magagalitin at marahas umano ang suspect sa biktima, matapos na sabihan ito ng huli na maaari nang bakantehin ang inuupahan nitong kuwarto dahil titirhan ito ng kanyang nanay.

Sinasabing nangyari ang pananaksak ganap na alas- 11 ng gabi sa may Lawin St., corner­ Loro St., Brgy. Common­wealth.

Ayon kay Marabe Bardaje, asawa ng biktima, Agosto ng kasalukuyang taon ng umupa ang suspect at asawa nito sa kanilang paupahang kuwarto.

Pero dahil darating ang kan­yang biyenang babae, pina­ki­usapan umano ng kanyang asawa ang suspect na kung maaari ay bakantehin na ito sa katapusan, bagay na hindi nito nagustuhan.

Dagdag pa ni Marabe, nitong Linggo ay winasak umano ng suspect ang pintuan ng inu­­upahan nilang kuwarto, pero hindi agad niya nasabi ito sa kanyang asawa dahil nasa trabaho.

Kaya naman kamakalawa ng gabi nang dumating ang kan­yang asawa at nalaman ang ginawa ng suspect ay kinom­pronta niya ito sanhi upang mag­talo ang dalawa, hanggang sa mauwi ito sa suntukan.

Nasa kainitan ng pagsusuntukan ang dalawa nang mag­bunot ng patalim ang suspect at inundayan ng sunud-sunod na saksak sa buong katawan ang biktma saka tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insi­dente.

APOLONIO BARDAJE

AYON

BRGY

LAWIN ST.

LORO ST.

MARABE BARDAJE

NOEL OCONG

QUEZON CITY POLICE

SHY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with