^

Metro

4-anyos na paslit natusta sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang 4-taong gulang na batang lalaki ang nasawi ma­karaang maipit sa nagliliyab nilang bahay nang iwang mag-isa ng kanyang mga magulang na nakipag-inuman umano sa mga kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang si Aaron Cruz dahil sa pagka­litson nito sa loob ng kanilang bahay sa #431 Tanglaw St., Brgy. Plainview, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Mandaluyong Fire Bureau, sumiklab ang apoy dakong alas-9:21 ng gabi. Hinihinalang sa natumbang kandila na iniwan ng mga magulang ng paslit sa loob ng kanilang bahay ang siyang pinagmulan ng sunog.

Sa imbestigasyon, nawalan ng kuryente sa naturang lugar makaraang isang trak ang bumangga sa isang poste ng Meralco.

Iniwan naman umanong tulog ng mga magulang ang kanilang anak upang maki­pag-inuman sa mga kapitbahay. Inabutan na nilang nagli­liyab ang kanilang bahay sa kanilang pag-uwi kung saan hindi na mailigtas ang na­kulong nilang anak.

vuukle comment

AARON CRUZ

BRGY

HINIHINALANG

INABUTAN

INIWAN

ISANG

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG FIRE BUREAU

MERALCO

TANGLAW ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with