^

Metro

Sindikato ng pekeng US treasury bills nalansag

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nalansag ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang big-time na sin­dikato na sangkot sa pagbebenta ng pekeng US Federal notes matapos maaresto ang pitong miyembro nito sa isinagawang operasyon sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay CIDG-National Capital Region Intelligence Chief, Senior Supt. Joel Napoleon Coronel, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagbebenta ng grupo ng mga pekeng treasury bills mula sa Federal Reserve Bank of Chicago, Illinois.

Nang makumpirma ang report ay agad na isinagawa ang buy-bust operation sa Crown Plaza Hotel sa Ortigas Avenue sa naturang lungsod dakong alas-9 ng gabi.

Arestado ang itinuturong lider na si Mariano Abana at ang anim pang hini­hinalang miyembro ng sindikato na sina Ramil Medecillo, Teodoro Tadeo, Noel at Racquel Labandero, Leo Rosilla at An­tonio Rubio. Nabatid na si Abana ay isang real state agent na siyang umaaktong broker sa pagbebenta ng mga pekeng notes kung saan ang treasury bills ay may marka pang “Document Treaty of Versailles”.

Nakumpiska sa mga suspect ang 3 piraso ng tig-isang bilyong dolyar na halaga ng gold bars certificate o kabu­uang tatlong trilyon ng US dollars. Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article 166 ng Revised Penal Code ang mga nasakoteng suspect.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CROWN PLAZA HOTEL

DOCUMENT TREATY OF VERSAILLES

FEDERAL RESERVE BANK OF CHICAGO

JOEL NAPOLEON CORONEL

LEO ROSILLA

MARIANO ABANA

NATIONAL CAPITAL REGION INTELLIGENCE CHIEF

ORTIGAS AVENUE

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with