^

Metro

Tanod utas sa sinitang driver

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang barangay tanod makaraang saksakin ng isang napikon na truck driver hanggang sitahin ng una ang huli sa hindi maayos na parada ng truck nito, sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Norman Salinas, 29, tanod ng Brgy. 28 Zone 21 at residente ng Hinahon St., Tondo, Manila.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspect na nakilalang si Crisanto Estrada, driver ng White Eagle Trucking Corp., sa Del Pan St. ,Tondo, Manila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Zaragosa St., sa Tondo habang abala sa pag-aayos umano ang driver ng trailer truck (PTR 105) na may lulang container van nang lapitan ng tanod at pagsabihan na ayusin ang pagkakaparada ng truck.

Napilitang tumayo ang driver at umakyat sa truck, subalit sa halip na paandarin upang iayos ang parada, bumaba ito na may hawak na patalim at inundayan ng saksak ang biktima bago mabilis na tumakas.

Dahil sa naiwang truck, nakalap ang delivery receipt na pinagkunan ng contact number ng trucking company. Kinumpirma naman ng kompanya ang pangalan ng suspect.

vuukle comment

BRGY

CRISANTO ESTRADA

DAHIL

DEL PAN ST.

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

HINAHON ST.

KINUMPIRMA

NORMAN SALINAS

WHITE EAGLE TRUCKING CORP

ZARAGOSA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with