^

Metro

Nene sugatan sa gumuhong lupa at pader sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 11-anyos na batang babae ang sugatan makaraang madaganan ng ilang parte ng semento nang gumuho ang ma­­taas na lupa at pader na na­k­a­tirik sa harapan ng kanilang tahanan sa lungsod Quezon kahapon.

Sa ulat ng barangay official sa lugar nakilala ang bata na si Fritz Escala, ng 33-A Libis Kaingin Road, na agad na isinugod sa East Avenue Medical Center matapos na matabunan ng lupa mula sa gumuhong pader.

Samantala, isang pamilya rin ang nailigtas ng rumespon­deng kawani ng city hall matapos na ma-trap sa loob ng kanilang tahanan dulot ng mga   tumabon na semento sa harapan ng kanilang bahay.

Sinasabi ni Apolonio Gero­nimo, barangay tanod ng Apolonio Samson, nangyari ang insidente pasado alas -10:30 ng umaga sa may Libis St., Brgy. Apolonio Samson sa lungsod.

Ayon kay Geronimo, ang lugar na pinaglalagyan ng pader ay ang loteng tinambakan ng lupa na may taas na 8 talampakan ay pag-aari ng isang Fili­pino Chinese na negosyante kasama ang pader na inilagay dito na posibleng bumigay bunga ng paglambot ng lupa.

Sinasabing bago ang pagguho, Miyerkules pa ng gabi ay nakakarinig na sila ng la­ngitngit sa naturang pader sa lugar. Kinabukasan ay nagulat na lamang ang mga residente nang biglang bumigay ito at bumagsak sa eskinita.

Kasalukuyan namang papasok ng kanyang paaralan ang bata nang matabunan ng pagguho ng lupa dahilan para malibing ang kalahating katawan nito at masugatan.

Sa kasalukuyan, pansamantalang pinalikas ng city government ang iba pang pamilyang nakatira malapit sa pader upang maiwasan ang posible pang disgrasya sa sandaling bumuwal ang natitira pang parte nito.

A LIBIS KAINGIN ROAD

APOLONIO GERO

APOLONIO SAMSON

AYON

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FRITZ ESCALA

GERONIMO

LIBIS ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with