^

Metro

Koreano biktimang riding in tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Muli na namang nagpa­ramdam ang riding in tandem gang na ang estilo ay mang-agaw ng bag ng mga pedestrian, matapos na isang Korean national ang nabiktima nito sa lungsod Quezon.

Ang biktima ay kinilalang si Kwang Seop Jeong, 33, consultant at residente sa Room 17 ng Sogo Hotel na matatagpuan sa Roces corner Quezon Avenue, Brgy. Paligsahan sa lungsod.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nangyari ang insidente ganap na alas-2 ng hapon sa may Panay Avenue malapit sa nasabing hotel habang ang biktima ay naglalakad sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo na may angkas na lalake at biglang hinablot ang dalang bag ng biktima, saka huma­rurot palayo.

Natangay sa dayuhan ang isang black pack na naglalaman ng 100,000 kwon, DSLR camera 800,000 kwon, Canon­ digital camera at laptop 160,000 kwon, relo 400,000 kwon.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente.

BRGY

KWANG SEOP JEONG

MULI

NATANGAY

PALIGSAHAN

PANAY AVENUE

PATULOY

QUEZON AVENUE

SOGO HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with