^

Metro

Panic-buying sa gas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagpatupad na ng limit sa ikinakargang gasolina ang maraming gasolinahan sa Metro  Manila dahil sa limitadong suplay ng petrolyo na inirarasyon sa kanila ng Chevron Philippines at Filipinas Shell dahilan naman ng pagpa-panic buying ng maraming motorista.

Ayon sa ulat, ilang istasyon ng Chevron ang nagpatupad ng P1,000 limit sa ikinakarga nilang gasolina sa mga motorista na nagpapakarga sa kanila upang mapatagal ang kanilang imbentaryo.

Bukod dito, marami na ring istasyon ng gasolina ang maagang nagsasara ng alas-10 ng gabi buhat sa dating 24 na oras na operas­yon habang apat na araw naman sa isang linggo nagbubukas ang ilan pang istasyon.

Kinumpirma naman ng ilang station manager na ma­rami nang motorista ang nagpa-panic buying at nagpapakarga ng mara­ming gasolina makaraan ang pani­bagong pagtataas sa presyo ng petrolyo kamakalawa.  Nagresulta umano ito ng mabilisang pagkaubos ng suplay na petrolyo sa maraming mga istasyon.

Sinabi naman ni Chevron spokesman Toby Nebrida na nasa “management decision” ng mga “retailers” nila ang pagpapatupad ng limit sa itinitindang petrolyo. Nilinaw ni Nebrida na walang kakapusan sa suplay ng petrolyo ngunit ang nagiging problema ay ang pagbiyahe nito buhat sa Batangas tu­ngo sa mga istasyon sa Metro Manila buhat nang magsara ang pipeline ng First Philippine Industrial Corporation (FPIC) na kanilang ginaga­mit para maghatid ng suplay ng petrolyo.

Asahan na umano na ma­nanatili ang naturang sit­wasyon hanggang hindi nareresolba ng FPIC at ng pamahalaan ang problema sa pipeline habang ginagawa naman umano ng Chevron ang lahat ng solusyon sa pagdedeliber ng petrolyo sa kanilang mga retailers.

ASAHAN

AYON

BATANGAS

CHEVRON PHILIPPINES

FILIPINAS SHELL

FIRST PHILIPPINE INDUSTRIAL CORPORATION

METRO MANILA

PETROLYO

SHY

TOBY NEBRIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with