^

Metro

'Martilyo gang' sumalakay sa mall tukoy na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tukoy na ng Southern Police District (SPD) ang tatlo sa apat na miyembro ng “Martilyo gang” na nanloob sa isang jewelry shop sa isang mall noong nakaraang Linggo na nagpasabog pa ng granada.

Pinangalanan ni SPD Director C/Supt. Jose delos Santos ang isa sa mga suspek na si Guiller Manresa, 24, at residente ng Tacurong City, Sultan Kudarat.

Nahuli na umano si Manresa noong Abril 10 dahil sa panghoholdap sa isa ring jewelry store sa mall pero nakalaya ito matapos magpiyansa.

Dalawa naman sa mga sinasabing kasamahan ni Manresa ay kinilala lang sa mga alyas na “Marlon” at “Ryan” habang inaalam pa kung sino ang isa pa nilang kasama.

Sinabi pa ni Delos Santos na ilalabas na rin nila ang artist sketch ng mga suspek batay sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera ng niloobang jewelry store.

Posible namang sumabit ang pamunuan ng security agency ng mall na pinag-aaralan na ngayon ng pulisya na sampahan ng kasong “reckless imprudence” dahil sa kapabayaan sa seguridad kung saan malayang na­ipasok ng mga salarin ang mga baril at granada.

Sinisilip din ng pulisya ang iba pang anggulo kabilang na ang “inside job” o nagkaroon ng katulong ang mga holdaper buhat sa ta­uhan ng security ng naturang mall kaya naging mata­gumpay ang panloloob.

ABRIL

DALAWA

DELOS SANTOS

DIRECTOR C

GUILLER MANRESA

MANRESA

SOUTHERN POLICE DISTRICT

SULTAN KUDARAT

TACURONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with