Computer shop operator pinagtripan, kinatay

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang pinagtripan lamang patayin ng walong kabataan na diumano’y miyembro ng notoryus na True Brown Style (TBS) fraternity ang isang 21-anyos na operator ng isang internet café, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Edison Lim, residente  ng G.Tuazon, Sampaloc, Maynila.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang grupo ng Manila Police District-Homicide Section upang madakip ang walong responsable sa krimen na pawang nasa edad 14 hanggang 19 na miyembro umano ng TBS fraternity.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang pananaksak-sa biktima saharapan mismo ng kanyang internet café.

Ayon sa imbestigador, nagsara na ng kaniyang computer shop ang biktima at lumabas lamang upang bumili ng beer sa kalapit na bakery na doon na ito kinuyog ng bugbog at saksak ng mga suspects.

Show comments