^

Metro

Driver, patay sa anak ni Chairman

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 32- an-yos na family driver matapos tamaan ng bala nang magwala at mamaril umano ang isang lalaking anak ng barangay chairman at may-ari ng isang bar sa Sampaloc, Maynila, kaha­pon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Insp.Armando Macaraeg, hepe  ng Manila Police District-Homicide Section, ang suspect na si Jeffrey Jimenea, ng Alvarez St. Sta. Cruz, Manila, at anak ni Barangay 234, Zone 24 Chairman Fernando Jimenea.

Agad namang bina­wian ng buhay ang biktimang si Gil Ibarra,residen-te ng no. 1434 J.Marzan St.,Sampaloc, Maynila.

Ayon kay SPO2 Edmundo Cabal, dakong  2:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente malapit sa Fernando’s Grill na matatagpuan sa panulukan ng  Dimasalang at M.  Dela Fuente Sts., Sampaloc.

Nag-ugat ang insidente nang masagi umano ng isang di nakilalang tomboy, na sakay ng motorsiklo at may kaangkas na lalaki, ang side mirror ng sasak-yan ng isang Daniel Nalus, 37,ng no.1430 J.Marzan St., Sampaloc, Manila.

Hindi nagtagal ay nagkasundo na umano ang magkabilang panig nang lumabas umano ang grupo ni Jimenea at sinapak si Nalus. Tumakbo umano si Nalus sa bahay ng kaniyang tiyahin upang maka-iwas nang makarinig sila ng dalawang magkasunod na putok  ng baril.

Nabatid din sa imbes­tigador na ang tomboy ay regular customer ng nasabing bar na dati nang inire­reklamo umano ni Nalus sa pamamagitan ng isang petisyon, dahil sa ingay at lakas ng banda na nakabubulahaw umano sa lugar.

Paniwala ni Nalus, nang makita ng suspect na naroon siya at kaniyang grupo, naghinala ito na may gagawin silang hindi maganda kaya nagwala   ito at namaril.

Nakikipag-ugnayan naman si Macaraeg sa nasabing chairman upang mahimok na isuko ang kaniyang anak.

ALVAREZ ST. STA

ARMANDO MACARAEG

CHAIRMAN FERNANDO JIMENEA

DANIEL NALUS

DELA FUENTE STS

EDMUNDO CABAL

GIL IBARRA

MARZAN ST.

NALUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with