Hapon, na 'Salisi Gang'
MANILA, Philippines - Isang 77-anyos na Japanese national ang nagreklamo matapos na mabiktima ng dalawang lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng Salisi Gang matapos na matangay ang kanyang bag na naglalaman ng cash at iba pang mahalagang kaga-mitan, habang nasa loob ng isang coffee shop, sa Malate, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Sa pahayag ni Chuji Yabuta, sa Manila Police District General Assignment Section (MPD-GAS), dakong 1:00 ng hapon nang ilapag niya sa ilalim ng kanyang upuan sa coffee shop at lapitan ng dalawang lalaki.
Kabilang sa natangay ang passport, cellphone, Hermes wallet na may 80,000 Japanese Yen ( P42,490), P18,000 cash at ilang pirasong automated teller machine (ATM) cards at credit cards.
- Latest
- Trending