MANILA, Philippines - Pormal na nanumpa kay Manila Mayor Alfredo S. Lim ang mga bagong halal na Brgy. at Sangguniang Kabataan chairman sa Bonifacio Shrine kasabay ng panawagan na tapusin na ang anumang mga away upang maging maayos ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.
Sa mass oath-taking ng mga barangay na dinaluhan nina 3rd District Rep. Naida Angping at 1st District Rep. Atong Asilo, Liga ng Mga Barangay president Councilor Philip Lacuna, Chief of Staff at Media Bureau chief Ric de Guzman, Manila Police District deputy director Col. Alex Gutierrez at Barangay Bureau director Analyn Buan, sinabi ni Lim na hindi umano dapat na sayangin ng mga barangay officials ang tiwala na binigay sa kanila ng kanilang constituents.
Samantala, sinabi naman ni Bgy. Chairman Thelma Lim na hindi siya tutol sa anumang pagbabago sa kanyang nasasakupang barangay. Aniya, nais lamang niya na ang anumang development na gagawin ay kailangan na kasama ang kanyang mga constituents.
Giit ni Lim, pabor siya sa anumang urban development at hindi maaapektuhan at maagrabyado ang kanyang barangay.
Sa halip aniya na i-relocate ang mga residente sa kanyang barangay, mas makabubuti kung patatayuan na lamang ito ng high-rise building na maaaring tirahan ng mga apektadong residente kung saan ang mga ito na rin ang magtatrabaho.
Dahil dito, naitataas pa ang moral ng mga residente at nahihikayat na magsikap sa tulong ng local government at ng private sector. (