^

Metro

Grade 5 pupil, minura, tinakot ng guro

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang Grade 5 student  ang nagsampa ng reklamo laban sa kanyang na­ging guro ma­tapos siyang­ pagbin­tangan, murahi­n at­ takutin sa loob ng klase noong Setyembre 7, 2010 sa Antonio Luna Elementary School sa  Tondo, Maynila.

Kasama ang kanyang  inang si Ruby Perez, nag­bigay ng kanyang salay­say kay SPO2 Andrea Pa­­rico sa  Women & Child­ren’s Protection Desk ng  Manila Police Dis­trict si  Trixia Joy Perez­, 10, upang ireklamo ang kanyang  guro na si Mrs.  Elsie Ignacio, adviser ng Grade 5-Einstein.

Batay sa sinumpaang salaysay ni  Trixia, pinagmumura, hiniya at  pinagbintangan siya  ni Ignacio na nag-text ng masasama na mariin namang pinabulaanan ng bata.

Ayon kay Trixia, naganap ang insidente  dakong alas-9 ng umaga sa loob mismo ng kanilang classroom kung saan sinigawan siya ni Ignacio at pinipilit na siya (Trixia) ang nag-text sa kanya.  Kasabay nito,  nagbitaw umano ang guro ng pahayag na “Punyeta, kayo ang idedemenda ko d’yan!”

Bukod dito, pinagbibin­tangan din umano ni Ig­naci­o ang kanyang ka­patid na si Germaine, 15. Ani Trixia, hindi nila alam ang cellphone number ni Igna­cio kung kaya’t walang kato­tohanan ang sinasabi nito na sila ang  nag-text sa guro.

Sinabi naman ni Ruby, matapos ang trauma na sinapit ng kanyang  anak kay Ignacio,  hind na pumasok sa eskuwelahan  ang kanyang anak kung saan ipinasya na lamang nilang ilipat ito sa Plaridel  Elementary School. Si Trixia aniya ay consistent honor student.

ANDREA PA

ANI TRIXIA

ANTONIO LUNA ELEMENTARY SCHOOL

ELEMENTARY SCHOOL

ELSIE IGNACIO

IGNACIO

ISANG GRADE

SHY

TRIXIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with