^

Metro

Cableman na holdaper, gumagala

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Binalaan ang publiko sa mga holdaper na nagpapanggap na ahente ng cable television makaraang mabiktima ang isang ginang ng dalawang suspek, kamakalawa sa Marikina City.

Nalimas ng mga salarin na nagpakilala lamang sa mga alyas na “Marlon at Tisoy” ang mga alahas, salapi at mga mahahalagang kasangkapan sa bahay ng biktimang nakilalang si Jennylyn Mitante, 21, ng Major Dizon St. Brgy. IVC, ng naturang lungsod.

Sa salaysay ng biktima sa Marikina Police, dakong alas-9 ng umaga nang kumatok ang dalawang suspek sa gate ng kanilang bahay at nagpakilalang mga ahente ng isang kompanya ng cable television. 

Dahil sa tamis ng pagsasalita ukol sa promo at malaking diskuwento, pinapasok naman ng nag-iisang ginang ang mga salarin sa loob ng kanyang bahay upang pag-usapan ang pagpapakabit ng linya ng cable.

Nang makapasok, agad umano siyang tinutukan ng patalim ng isa sa mga salarin at pinaghubad ng suot niyang damit  na ginamit para igapos ang kanyang  mga kamay at ipasok siya sa loob ng aparador at ikandado.

Dito matagumpay na nilimas ng mga suspek ang lahat ng makitang gamit, alahas, at kasangkapan na madaling ta­ngayin at mapagkakakitaan bago mabilis na tumakas.

BINALAAN

DAHIL

DITO

JENNYLYN MITANTE

MAJOR DIZON ST. BRGY

MARIKINA CITY

MARIKINA POLICE

MARLON

NALIMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with