^

Metro

Pinay na ginagamit na courier ng droga dumarami

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Naalarma ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa duma­raming bilang ng mga Pinay na naaresto sa ipi­nag­babawal na gamot bunga na rin sa paggamit sa kanila ng mga dayuhang sindikato bilang drug couriers nito.

“This is not good any­more. The situation is getting out of hand. Seemingly, our countrymen are getting more drastic in their bid to have a good life.” sabi ni PDEA Director General/Senior Undersecretary Dio­nisio R. Santiago.

Base sa ulat, isang Pinay na naman ang ina­resto sa bansang Brazil matapos na makuhanan ito ng limang kilos ng cocaine, at isa pang gurong Pinay naman ang nadakip sa bansang China na nakuhanan ng may 1,996 grams ng heroin. 

Naniniwala si Santiago, may nahuhuma­ling pa ring mga Pinay sa ganitong pamamaraan dahil sa bagong estratehiyang ginagawa ng mga sindikato para makahikayat, matapos ang walang humpay na panawagan na kanilang ginawa sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kaugnay dito.

Ayon kay Santiago, dahil sa pangyayari, sisikaping doblehin ng kanilang kagawaran bilang co-chair ng inter-agency Task Force on Drug Couriers (TFDC), kasama ang local enforcement agencies, at international counterparts ang pagbibigay impormasyon sa mga kababayang nasa ibang bansa para maiwasto ang naturang problema.

“Kahit anong paalala ang gawin natin sa ating mga kababayan, ay hindi nila ito pinakikinggan dahil na rin sa kahirapan,” dag­dag ni Santiago.

AYON

DIRECTOR GENERAL

DRUG COURIERS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PINAY

SENIOR UNDERSECRETARY DIO

SHY

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with