^

Metro

Tsinoy, 1 pa huli sa 3 kilo ng cocaine

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - HuIi sa isinagawang buy-bust operation ang dalawa katao kabilang ang isang negosyante na nagpakilalang miyembro ng Presidential Anti- Smuggling  Group (PASG),  sa pagbe­benta ng 3 kilo ng cocaine na may street value na P15-milyon sa loob ng isang five star hotel sa Pasig City, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Arthur Olarte, 38, at ang negosyanteng Tsinoy na si Benjamin Liobing na may mga alyas na “Benjamin Bocboc Yu”  at “Richard­son Bondoc Ang”.

Isinagawa ang ope­ras­yon sa isang hotel­ sa Ortigas Center, Pasig City, kung saan nakum­piska ng mga ahente ng National Bureau of Investi­gation (NBI), Pasig Police at mga kinatawan ng  Philippine Drug En­forcement Agency (PDEA) ang 3 kilo ng cocaine.

Hinihinalang ba­hagi ito ng 1,500 kilo ng co­caine na itinapon sa karagatang sakop ng Samar mula sa isang international vessel na pinaniniwala­ang nakuha ng mga ma­ngingisda ng Samar.

Si Olarte umano ay nag­­papanggap na miyembro ng PASG at may negosyong import-export.

Tumanggi namang tukuyin ni Atty.Ruel Lasala, deputy di­rector ng NBI Intelligence Services ang ilang ma­­impluwensiyang indi­bidwal na sangkot sa operasyon ng cocaine sa bansa, bagamat kinumpirma niya na si  Liobing ang kasamang umalis ni Congressman Ro­nald Singson sa bansa bago ito na­dakip ng Hongkong autho­rities. “I ki-clear ko lang ha, wala kaming­ tinu­tukoy na pangalan ng pulitiko, we still verifying reports na ibinibigay sa amin,” ani Lasala.

Patuloy pa uma­no ang kanilang imbes­tigas­yon at pakikipag-ug­nayan sa PDEA hinggil sa pagkaka­sangkot ng ilang cele­brities, law enforcers at iba pang persona­lidad, base sa nakalap na impormasyon.

ARTHUR OLARTE

BENJAMIN BOCBOC YU

BENJAMIN LIOBING

BONDOC ANG

CONGRESSMAN RO

DRUG EN

INTELLIGENCE SERVICES

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with