Fetus sa garapon natagpuan
MANILA, Philippines - Sa loob ng isang garapon natagpuan ang isang apat na buwang fetus, na itinapon sa kubeta ng isang hotel sa lungsod Quezon.
Ang fetus na may nakatatak na pangalan sa pinagbalutang dyaryo na “Baby Angela R.” ay natagpuan ng isang Walter Rosal, 28, binata, housekeeper ng Richmond Hotel, ganap na alas-4 ng hapon.
Ayon kay Rosal, naglilinis siya sa female comfort room ng ikalawang palapag ng nasabing establisimento ng mapuna niya ang isang garapon na ibinalot sa dyaryo, partikular sa likurang bahagi ng inidoro.
Unang inakala ni Rosal na naiwan lamang ang garapon, pero nang kanyang buksan ay bumulaga sa kanya ang isang fetus.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakasulat sa diyaryo ang “Baby Angela R.” na posibleng ipapangalan sana ng ina ng fetus kung naipanganak lamang siya ng maayos at nabuhay.
Patuloy pa rin sa pagsisiyasat ang pulisya para matukoy kung sino ang ina ng nasabing nilalang.
- Latest
- Trending















