^

Metro

Ex-PC nang-wasiwas ng saksak: 1 utas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang lalake ang nasawi habang malubhang nasugatan ang kaibigan nito makaraang pagsasaksakin ng isang dating tauhan ng PC dahil sa da­ting alitan sa lungsod Quezon kamakalawa.

Nakilala ang nasawi si Zennen Villanueva, 40, residente sa Plana Compound, Brgy. Kaunlaran, Cubao. Habang patuloy namang ginagamot ang sugatang si Rogacia del Monte, 53 ng nasabi ring lugar. 

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may harap ng Ara market sa may Brgy. San de Porres Cubao ganap na alas- 9 ng gabi.

Diumano, naglalakad ang mga biktima sa lugar nang masalubong nito ang suspect. At dahil may dati nang alitan nagkaroon ang mga ito ng komosyon.

Dahil dalawa laban sa isa ang labanan, nagpasyang magbunot ng patalim ang suspect saka winasiwas ng saksak ang mga biktima sa kani-kanilang mga katawan at saka tumakas.

Samantala, sa pagres­ponde naman ng mga tropa ng Barangay Police and Security Officers (BPSO) ay nadakip ang suspect na si Bernardo Ilagan habang naglalakad sa may Baniste St., sa Brgy. San De Porres at dinala sa himpilan ng QCPD sa Camp Karingal.

Itinatanggi nito na siya ang sumaksak sa mga biktima dahil siya pa daw ang naagrabyado nang mapalo siya sa ulo at kamay at nahilo kung kaya hindi niya alam ang pangyayari.

vuukle comment

AYON

BANISTE ST.

BARANGAY POLICE AND SECURITY OFFICERS

BERNARDO ILAGAN

BRGY

CAMP KARINGAL

PLANA COMPOUND

PORRES CUBAO

SAN DE PORRES

ZENNEN VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with