MANILA, Philippines - Pinalawig pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang linggo ang exemption sa truck ban ng mga fuel tankers ng Filipinas Shell at Chevron Philippines habang hindi pa nagiging normal ang suplay ng gasolina sa Metro Manila.
Mag-uumpisa ang eksempsyon mula Nobyembre 11 hanggang 18 sa mga oras na alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng umaga.
Ang naturang eksempsyon ay pagpapatuloy ng una nang ibinigay ng MMDA noong nakaraang linggo makaraang pansamantalang ipasara ang operasyon ng Batangas-Pandacan pipeline dahil sa tagas.
Ang Shell at Chevron ang pangunahing mga kompanya ng langis na gumagamit ng pipeline at pinanggagalingan ng suplay ng kanilang mga ibinibentang produkto sa Metro Manila.
Sa ilalim ng eksempsyon, maaaring dumaan sa mga pangunahing lansangan ang mga delivery tankers ng Shell at Chevron ngunit pinagbabawalan na dumaan sa mga secondary road.
Makaraang matapos naman ang paglalagay ng kalang sa nakitang lamat sa pundasyon, binuksan na rin ng MMDA at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Magallanes flyover sa mga trak at bus dakong alas-12 kahapon ng tanghali.