^

Metro

3 todas sa aksidente sa Commonwealth

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang iniulat na nasawi sa magkasunod na vehicular accident sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa lungsod Quezon kahapon.

Sa ulat na nakarating kay Supt. Arnold Santiago, hepe ng traffic Sector 3 sa Camp Ka­ringal, nakilala ang mga nasawi na isang Celendonio Fradio, walang tiyak na tirahan; Noel Javier, 40; at Ronald Nachor, 48; pawang mga residente naman sa Banadero, Calamba, Laguna.

Ayon sa ulat ng traffic sector 5, ang mga biktima ay pawang nabundol sa kahabaan ng Commonwealth Avenue Riverside south-bound lane, Brgy. Commonwealth.

Ganap na alas 11:30 nang mabundol ang biktimang si Fradio ng isang Toyota Corolla taxi (PXE-234) na minamaneho ng isang Marcos Valenzuela, 47, ng Caloocan City.

Tinatahak ng taxi ang naturang lugar nang biglang tumawid ang suspect at ma­bundol ito. Nagawa pang maitakbo ang biktima sa East Avenue Medical Center ngunit idineklara din itong patay.

Alas 3:30 ng madaling araw nang masagasaan naman ang mga biktimang sina Javier at Nachor sa nasabing lugar.

Nakaistambay ang mga biktima rito nang biglang su­mulpot ang isang Honda City (WTL-625) na minamaneho ng isang Nicanor Rendon, 23, binata, estudyante, ng Benitez St., West Triangle sa lungsod at sagasaan sila.

Dahil sa matinding pagkakabangga ay nagtamo ng matinding pinsala sa kani-kanilang mga katawan ang dalawa na agad na ikinamatay ng mga ito.

Nagtamo rin ng sugat sa mukha si Rendon dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga nito sa mga biktima.

ARNOLD SANTIAGO

BENITEZ ST.

CALOOCAN CITY

CAMP KA

CELENDONIO FRADIO

COMMONWEALTH AVENUE

COMMONWEALTH AVENUE RIVERSIDE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HONDA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with