^

Metro

Nanalong bgy. kagawad sinampahan ng murder

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang kapapanalo pa lamang na kagawad at isang tauhan nito ang sinampahan ng kasong murder dahil sa umano’y pagpatay sa isang punong-tagapamayapa sa kanilang barangay sa Paranaque City kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rey Advincula, nanalong kagawad ng Brgy. Moonwalk sa Paranaque City at tanod na si Rolando Agustin.

Dalawang araw na-comatose sa Paranaque Doctor’s Hospital ang biktimang si Albert Araneta, punong-tagapamayapa ng barangay, bago binawian ng buhay nitong Oktubre 31.

Sa salaysay ng biyuda ng biktima na si Divina Joy Cabral-Araneta, saksi siya nang barilin ng malapitan ang kanyang mister noong Oktubre 29 dakong alas-4 ng hapon sa may E. Rodriguez extension naturang barangay.

Inawat ng biktimang si Araneta ang umano’y ginagawang pagsira ng grupo ni Advincula sa itinatayong bakod sa naturang lugar. Nagkaroon ng pagtatalo sina Advincula at Araneta hanggang sa bumunot umano ng baril ang kasamahan ng una na si Agustin at pinaputukan sa likod.

Nagmakaawa umano si Divina kay Advincula na isugod ang mister sa pagamutan ngunit sa halip ay tumakas ito kasama ang mga barangay tanod. Nagmagandang-loob naman ang isa pang tanod na si Rodel Mangampono na nagdala sa biktima sa pagamutan.

Ayon kay Divina, matagal nang may galit sa kanyang mister ang pamilya Advincula dahil sa ibang kandidato ang sinuportahan nito noong nakaraang halalan at may sigalot rin umano sila sa kontrata sa delivery ng mineral water na kapwa negosyo ng dalawang pamilya.

vuukle comment

ADVINCULA

ALBERT ARANETA

ARANETA

DIVINA

DIVINA JOY CABRAL-ARANETA

OKTUBRE

PARANAQUE CITY

PARANAQUE DOCTOR

REY ADVINCULA

RODEL MANGAMPONO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with