^

Metro

Driver niratrat sa pilahan ng jeep

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi na naipasada pa ng isang driver ang minamaneho niyang pampasaherong jeep matapos itong pagbabarilin ng tatlong magkakaangkas sa motorsiklo habang naghihintay ng mga pasahero sa pilahan ng jeep sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa Mary Jhonston Hospital ang biktimang si Renz Salvador, 24 anyos, ng Quezon st. Tondo, Maynila bunga ng tama sa dibdib.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong lala­king suspect na sakay ng isang Mio Yamaha motorcycle.

Nagtamo din ng bala sa leeg at ginagamot ngayon sa nasabi ring ospital ang kasama ni Salvador na si Jose Ba­laba Jr., 32, ng Lacson st., Tondo.

Sa ulat ni PO2 Jay Santos ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 8:45 ng gabi ng lapitan umano ng isa sa mga suspect ang tagiliran ng pampasadang jeep sa panulukan ng Juan Luna at Padre Rada sts., at paulanan ng bala si Salvador.

Tinamaan din ng bala ang katabi niyang si Balaba.

Mabilis na umangkas muli ang gunman sa kasamahan niyang sakay ng motorsiklo at tumakas.

Isang follow-up operation na ang isinasagawa ng grupo ng Homicide Section.

vuukle comment

HOMICIDE SECTION

JAY SANTOS

JOSE BA

JUAN LUNA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY JHONSTON HOSPITAL

MAYNILA

MIO YAMAHA

PADRE RADA

RENZ SALVADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with