^

Metro

Dalaga todas sa ka-live-in

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang 22-anyos na babae na  hinihinalang tinakpan ng unan sa mukha ng kanyang ka-live-in matapos ang  pagtatalo dahil sa selos sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Bangkay na nang matagpuan ang   biktimang si Katrina Sandoval, ng Hipon Alley, Dagat-Dagatan ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Glenn, isang  jeepney driver, nakatira pa rin sa nasabing lugar.

Sa pahayag ng kalapit kuwarto ng mag-live-in na sina Elba Caparoso at Rostom Conde sa mga kagawad ng Caloocan City Police, nabatid na dakong alas-8 ng gabi na­rinig nilang nagtatalo ang magka-live-in sa loob ng inuupahang kuwarto ng mga ito dahil nagseselos  ang lalaki sa biktima.

 Ilang sandali pa ang lumipas ay tumahimik hanggang sa makita ng mga saksi ang suspek na nagmamadaling umalis.

Nang puntahan ng mga saksi ang biktima ay nakita nila ito na nakatalukbong ng kumot subalit hindi gumagalaw.

Inalis ng mga saksi ang kumot at laking gulat ng mga ito nang malaman na patay na ang biktima na naging dahilan upang ipag­bigay-alam nila sa pulisya. Wala naman nakitang sugat sa katawan ang biktima na hini­hinalang tinakluban ito ng unan sa mukha ng suspek hanggang sa  mamatay.

Hinihintay lang ng mga pulis ang autopsy report ng biktima upang makumpirma ang dahilan ng kamatayan nito. Sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment

BANGKAY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAGAT-DAGATAN

ELBA CAPAROSO

HIPON ALLEY

KATRINA SANDOVAL

ROSTOM CONDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with