Vital installations sa Maynila, todo bantay
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Police District (MPD) director Roberto Rongavilla na ipapatupad ang mahigpit na pagbabantay sa lungsod ng Maynila partikular sa vital installations at offices sa kabila ng wala pang kumpirmadong ulat sa banta ng terorismo.
Kabilang sa pinatututukan ang Malacañang Palace, US Embassy at Pandacan oil depot dahil hindi umano dapat balewalain ang sinasabing banta ng terorismo sa Metro Manila, kasunod ng ipinalabas na travel advisory ng United Kingdom at Australia, na humihikayat sa kanilang mga mamamayan na umiwas na magtungo sa Pilipinas, partikular sa Kalakhang Maynila.
Tatlong special task force umano ang binuo at ‘on-call’ lamang sa oras na may magaganap na insidente ng terorismo.
Tiniyak rin naman ni Rongavilla na maging ang iba pang vital installations sa Maynila ay mahigpit din nilang binabantayan.
Batay sa ulat, limang miyembro umano ng Moro Islamic Liberation Front-Special Operations Group na inili-link sa Abu Sayyaf Group at JI ang nasa Metro Manila upang maghasik ng karahasan.
- Latest
- Trending