^

Metro

Electric jeep aarangkada sa Maynila: Pasahe P3 lang

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Malaki ang matitipid ng mga commuters sa Maynila sakaling maisakatuparan ng pamahalaang lungsod ang pagkakaroon ng 20 units ng eco-friendly na 21-pas­senger electric vehicles na magkaka­roon ng ruta sa loob lamang ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, aabot lamang sa P3 ang pamasahe sa bawat electric jeep na iikot sa buong Maynila.

Pinangunahan ni Lim ang demontrasyon ng sasakyan kasama sina Engr. Youssef Z. Ahmad, coordinator at tech­no­logy owner at ECOS En­viron­mental Foundation sec­retary general Mr. Syuichi Tajima at ilang TESDA staff.

Bukod umano sa makaka­menos sa pasahe malaki rin ang maitutulong nito sa kapa­ligiran dahil hindi ito magla­labas ng carbon dioxide na delikado sa mga kalusugan dahil sa rechargeable bat­teries ang ginagamit dito.

Kabilang sa mga pangu­nahing magiging ruta ng elec­tric jeep ay ang Roxas Blvd., Sta. Cruz, España at ilan pang mga pangunahing lansangan.

Inaasahan namang sa Enero darating ang unang sampung units nito.

AHMAD

AYON

BUKOD

CRUZ

MANILA MAYOR ALFREDO

MAYNILA

MR. SYUICHI TAJIMA

ROXAS BLVD

SHY

YOUSSEF Z

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with