^

Metro

Sexy star, asawa tugis sa karnap

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tinutugis ngayon ng pulisya ang isang starlet kaugnay ng pagkakasangkot sa patung-patong na kaso ng car theft at personal nitong koneksyon sa isang big-time carnapping gang na nag-ooperate sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Kinilala nina PNP Chief Director General Raul Bacalzo at PNP Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director P/Chief Supt. Leonardo Espina ang starlet na si Katrina Paula, Angeline Samonte sa tunay na buhay.

Sinabi ni Espina na kabilang na rin si Paula sa kanilang hina-hunting dahil ito ay asawa ni Raymond Dominguez, ang pinaghihinalaang lider ng notoryus na Dominguez carnapping gang.

Nabatid sa opisyal na si Dominguez, may patong sa ulong P.5 million, na maliban sa multiple na kaso ng carnapping ay nahaharap din sa kasong rape, attempted murder at illegal possession of firearms.

Ayon kay Espina, ang pagtugis kay Paula at mga kasamahan nito sa sindikato ay ma­tapos na salakayin ng mga awtoridad ang condominium unit nito at ni Dominguez sa Palo Verde Condominium na matatagpuan sa Brgy. Malamig, Mandaluyong City noong nakalipas na Nobyembre 2.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Carlos Valenzuela ng Regional Trial Court (RTC) Branch 213 ng Mandaluyong na nagresulta sa pagkakasam­sam sa anim na nakaw na behikulo na kina­bi­bilangan ng isang Mazda 3, Mitsubishi Mon­tero, BMW at isang Isuzu D-Max pick-up truck.

Gayunman, wala sa kanilang condominium sina Paula at Dominguez ng isagawa ang na­sabing raid. Narekober rin sa operasyon ang kinarnap na Hyundai Sta. Fe na natukoy na pag-aari ni dating Department of Labor Under­secretary Dionisio de la Cerna.

Bukod dito nasamsam rin ang sari-saring mga paraphernalia ng sasakyan tulad ng mga nakaw na plate number, car registration paper, dalawang puting mascara sa mukha, sari-saring duck tapes, masking tapes at hand gloves, gayundin ang plaka ng kinarnap na   sasakyan ng Sports Editor ng pahayagang Malaya na si Jimmy Cantor.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay puspusan ang kanilang isinasagawang man-hunt operation sa mga lugar na puwedeng pag­taguan ng naturang sindikato upang panagutin ang mga ito sa batas.

vuukle comment

ANGELINE SAMONTE

CHIEF DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

CHIEF SUPT

DEPARTMENT OF LABOR UNDER

DIRECTOR P

DOMINGUEZ

ESPINA

HIGHWAY PATROL GROUP

PAULA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with