P40 flag down rate sa taxi sa 2011
MANILA, Philippines - Posibleng maipatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na taon na maging P40.00 ang flag down rate sa metro ng mga taxi sa Metro Manila mula sa kasalukuyang P30 na flag down rate.
Ito ang sinabi ni Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB kaugnay ng hirit ng mga taxi driver na itaas sa P40 ang flag down rate bunsod na rin sa pagtaas ng toll fee, oil price hike at halaga ng mga bilihin.
Anya, kapag naaprubahan ito ng LTFRB board, gagawin nilang mandatory ang paglalagay ng taxi meters na may resibo pati na ang pagsusuot ng uniform ng mga driver nito
Bukod sa hirit na flag down rate, nais din ng mga taxi driver na itaas sa P3 mula sa P2.50 ang singil sa susunod na 250 meters na takbo ng sasakyan. Sinasabing noon pang taong 2006 huling naaprubahan ng LTFRB ang hirit ng mga taxi driver na maitaas ang flag down rate.
- Latest
- Trending