^

Metro

Sekyu, suspect sa pag-ambush sa Vice Mayor ng Zamboanga del Sur

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang security guard ang hinihina­lang gunman sa pag-ambus sa Vice mayor ng Zamboanga del Sur sa Ermita, Manila matapos maiwan umano sa crime scene ang isang identi­fication card nito.

Hindi pa binabanggit ng mataas na opisyal ng MPD ang pangalan sa na­kuhang ID na narekober sa pinang­ya­rihan na posibleng nahulog umano sa gunman habang tumatakas matapos ang pamamaril.

Ang isa pang suspect ay nagsilbing driver ng get-away motorcycle.

Bumuo na rin kahapon si MPD Di­rector Roberto Rongavilla ng “Task Force Ocol” na pamumunuan ni Supt. Frumensio Bernal, hepe ng MPD-Station 5 (Ermita) na siyang mag-iimbes­tiga sa tangkang pagpatay kina Labangan Vice Mayor Ocol Talumpa, 46, at pamangkin at personal body­guard na si Alimudin Silad, 40.

Nagpalabas na rin ng artist sketch ang MPD ng umano’y gunman.

vuukle comment

ALIMUDIN SILAD

BUMUO

ERMITA

FRUMENSIO BERNAL

ISANG

LABANGAN VICE MAYOR OCOL TALUMPA

ROBERTO RONGAVILLA

SHY

TASK FORCE OCOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with