^

Metro

Miyembro ng Abu Sayyaf timbog sa Quezon City

- Joy Cantos, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ta­uhan ng PNP at militar ang isang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa pinaglu­lunggaan nito sa Brgy. Culiat, Tandang Sora, Quezon City ka­hapon ng hapon.

 Ito’y sa gitna na rin ng terror attack alert ng United Kingdom, Canada at Australia sa Metro Manila.

 Kinilala ni PNP Spokesman Sr. Supt. Agrimero Cruz Jr., ang na­sakoteng suspect na si Patta Hoyoy Jahal alyas Abu Najer.

 Ayon kay Cruz, da­kong ala-1 ng hapon ng masakote ang sus­pect sa isinagawang raid sa Brgy. Culiat, Quezon City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Leo Principe ng Branch 1, Regional Trial Court ng 9th Judicial Region ng Basilan kaugnay ng pagkakasangkot nito sa dalawang insidente ng kidnapping.

 Kabilang dito ay ang pagdukot sa may sam­pung manggagawa ng Golden Harvest Planta­tion ng Brgy. Tairan, Lan­tawan, Basilan noong Hunyo 11, 2001 kung saan ilan sa mga biktima ay pinugutan ng ulo at kidnapping ng mahigit 20 hospital staff sa Dr. Torres Hospital sa Lamitan, Ba­silan noong Hunyo 2, 2001.

Ang suspect ay kasa­lukuyan ng isinailalim sa kustodiya ng PACER sa Camp Crame para sa ka­ ukulang imbestigas­yon.

Kasalukuyan namang inaalam ng mga awtori­dad kung may mga kasa­mahan pa ang suspect na nagtatago sa Metro Manila na posibleng mag­­hasik ng terorismo.

vuukle comment

ABU NAJER

ABU SAYYAF GROUP

AGRIMERO CRUZ JR.

BASILAN

BRGY

CAMP CRAME

CULIAT

DR. TORRES HOSPITAL

METRO MANILA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with