^

Metro

Manila City Hall sinugod ng mga guro

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sinugod ng mga miyembro ng Manila Public School Teachers Association (MPSTA­) ang Manila City Hall upang kalampagin si Manila Mayor Alfredo S. Lim at ang City Treasurer’s Office para sa kanilang allowances na ma­tagal na umano nilang hinihingi.

Nabatid na tumatanggap ang mga guro ng P2,500 kada buwan ng  allowance na  ibini­bigay quarterly.

Ayon kay MPSTA President Merlinda Añonuevo, ang kanilang ipinaglalaban ay kanilang karapatan at  nais lamang na makuha ng may 11,500 guro mula sa 103 paaralan.

“Hindi kami naniningil na wala sa batas. Hindi kami na­ba­bayaran sa tamang panahon, ani  Añonuevo.

Sinabi ni Anonuevo na nag­tataka sila kung bakit  na­aantala ang kanilang allowance ngayon at kailangan pa nilang kalampagin ukol dito ang City Hall. 

Ayon naman kay  MPSTA Vice President Benjie Bal­bueno ito ang unang pagkaka­taon na nangyari na magsagawa ng rally ang mga guro. Aniya, posibleng lumaki pa ito kung mabibigo ang  kanilang grupo.

vuukle comment

AYON

CITY HALL

CITY TREASURER

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA PUBLIC SCHOOL TEACHERS ASSOCIATION

PRESIDENT MERLINDA A

SHY

VICE PRESIDENT BENJIE BAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with