^

Metro

6 nalitson sa sunog sa Caloocan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Natusta ang anim na miyembro ng isang pamilya kabilang ang sanggol sa sinapupunan ng isa sa mga biktima at isang walong- taong gulang na batang babae, habang dalawa pa ang malubhang nasugatan matapos sumiklab ang nakaimbak na gasolina sa kanilang bahay kama­kalawa ng gabi sa lungsod ng Caloocan.

Mistulang magkakayakap pa nang matagpuan sa loob ng banyo ang mga na­sa­­wing biktima na  sina Ire­ne Ta­benas, 61; Mary Rose Tabenas, 22; Joppet Galleta­, 16; Olivia Ma­balay, 8 at ang buntis na si Irene Galleta, 43, pawang nakatira sa Sunflower St., Pangarap Village ng nabanggit na siyudad.

Ginagamot naman sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng 2nd degree burns sa katawan sina Ruber­ Tabenas, 22 at isang Bok­noy, 10,  kap­wa rin  ng na­­­sabing lugar.

Sa imbestigasyon ng Caloocan City Fire Department, dakong alas-9:50 ng gabi naganap ang insidente sa bahay ng mga biktima sa Sunflower St., Pangarap Village, ng naturang siyudad.

Nabatid na  natutulog ang mga biktima, nang su­miklab ang nakaimbak na gasolina sa kanilang bodega,  na na­ging dahilan nang mabilis na pagkalat ng apoy.

Hindi na nakalabas ng bahay ang mga nasawi na nagkulong na lang sa kanilang banyo na doon na sila inabutan ng kamatayan.

Dakong alas-10:30 ng gabi nang maapula ang apoy, kung saan inaalam  ang dahilan nang pagsiklab ng mga gasolina na pinaniniwalaang umano’y  ibinebenta ng pamilya Galleta.

Narekober ng mga awtoridad ang drum, mga container, mga bote na pinaglalagyan ng mga gasolina.

Kung kaya’t  isa sa teyor­ya ng mga awtoridad, na nagbebenta ang mga ito ng gasolina.

vuukle comment

CALOOCAN CITY FIRE DEPARTMENT

IRENE GALLETA

JOPPET GALLETA

JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

MARY ROSE TABENAS

PANGARAP VILLAGE

SHY

SUNFLOWER ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with