^

Metro

P152 milyon pekeng Louis Vuitton nasamsam

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang  mga tindahan na nagbebenta ng mga pekeng Louis Vuitton products at mga bodega nito kung saan nakumpiska ang tinatayang US$3.5 milyon  o katumbas na  P152 milyon halaga , sa magkakasunod na operasyon sa Maynila.

Sa ulat na isinumite kay NBI Director Magtanggol Gat­dula, isinagawa ang pagsalakay dahil sa reklamo ni Anthony Francis L. Manankil, ng Manled Legal Consultancy Services, ang kinatawan ng Louis Vuitton Malletier S.A., dahil sa umano’y talamak ng bentahan ng pekeng produkto na taglay ang kanilang ‘high end’  brand name.

Ayon sa NBI, magkaka­sunod na sinalakay ang stalls sa Second Floor ng 168 Shopping Mall, Sta. Elena St., Binondo, Manila at ang ilang warehouses sa # 1414 Antonio Rivera St., Tondo, Manila at ika-5 palapag ng CTC Building , Sta Elena St., Binondo, Manila.

Ang pagsalakay ay isinagawa ng mga ahente ng NBI Intellectual Property Rights Division (IPRD) gamit ang search warrants  na inisyu ni Judge Antonio Eugenio Jr., ng  Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 24.

Umabot sa 11,760 piraso ng hand bags, pouches­, leather cases, shoulder bags at mga accessories nito ang nasa kustodiya nga­yon ng NBI na ayon sa pagtaya ay umaabot sa  US$3,518,650 o katumbas sa P152,005,680,

Ipinagharap ng kasong paglabag sa RA8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) ang mga operator at may-ari ng mga establisyemento.

ANTHONY FRANCIS L

ANTONIO RIVERA ST.

BINONDO

DIRECTOR MAGTANGGOL GAT

ELENA ST.

INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES

INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS DIVISION

JUDGE ANTONIO EUGENIO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with