^

Metro

Binatilyo tinodas sa sementeryo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 17 anyos na binatilyo ang nasawi matapos mapagtripang pagsasaksakin ng apat na miyembro ng pinaghihinalaang miyembro ng M town gang habang nangunguha ng mga tulo ng nakatirik na kandila sa Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sa insidente ang biktimang si  John Kelvin Dinglasan, .residente ng #75 Labo Street, Barangay Paang Bundok, La Loma, Quezon City.

 Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) para dakpin ang mga nagsitakas na mga suspect.

 Sa inisyal na ulat, dakong alas-11 ng gabi ng Linggo, nang maganap ang insidente sa 1st Street ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila.

Pinaniniwalaang sinadya ng mga suspect na puntahan sa sementeryo ang biktima na nangunguha ng kandila para pagkakitaan.

 Nabatid na kasama ng biktima ang iba pang kaibigan na nangongolekta ng kandila sa magkakatabing nitso sa loob ng sementeryo nang lapitan ng mga suspect saka binugbog at pinagsasaksak.

Isang Ferdie Pamintuan, 14-anyos na kaibigan ni Dinglasan ang nakahingi ng tulong sa outpost ng Bantay Bayan, na kaagad namang rumesponde sa insidente ngunit hindi na inabutan pa ang mga suspect. Pinaniniwalaan namang away fraternity ang motibo ng insidente.

vuukle comment

BANTAY BAYAN

BARANGAY PAANG BUNDOK

CRUZ

ISANG FERDIE PAMINTUAN

JOHN KELVIN DINGLASAN

LA LOMA

LABO STREET

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with