^

Metro

Gintong singsing di matanggal. Seaman pumalag sa holdaper todas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dahilan sa gintong singsing na hindi ma­tanggal sa kaniyang daliri, napatay ang isang seaman na dumaranas ng mild stroke matapos itong pag­babarilin ng pumalag sa isa sa dalawang riding in tandem na holdaper sa Quiapo, Maynila kahapon ng umaga.

 Kinilala ni Insp. Armand Macaraeg ang biktimang si Alexander de Chavez Ma­liwanag, 63 anyos, resi­dente ng #714 Granate St., Quiapo, Maynila na sinasabing tuluyang bina­wian ng buhay sa Ospital  ng Sam­paloc.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga tauhan ng Manila Police District laban sa mga suspect na inilarawang isa rito ay nakasuot ng full face helmet, gas mask, naka­suot ng guwantes, may taas na 5’5 hanggang 5’7, medium built, naka­suot ng itim na jacket at maong pants, at kulay kayumangging sapatos. Ang mga ito ay sakay ng isang kulay asul na Honda wave motorcycle na walang plaka at armado ng cal .45 baril.

 Sa ulat ni PO2 Lester Evangelista, dakong alas- 8:15 ng umaga nang ma­ganap ang insidente sa  tapat ng isang water refilling station, sa No. 940 Bilibid Viejo at panulukan S.H. Loyola ng nabanggit na lugar.

 Nabatid na ang mga suspect ay nakita umano ng mga vendor na tila may inaabangan sa lugar hang­gang sa dumating ang biktima at nakitang bumibili ng mineral water.

 Nang sapilitang aga­win umano ang bracelet ng biktima ay pumapalag pa ito at ng ang ma­mahaling gintong singsing na suot ang sapilitang kinukuha ay hindi umano matanggal hanggang sa sumigaw ang isa sa suspect na nagma­maneho ng motorsiklo ng : “Tirahin mo na Yan”.

 Mabilis na pinapu­tukan ng suspect sa ta­giliran ang biktima bago nagsitakas sa direksiyon ng S. Loyola St.

 Patuloy pang iniim­bestigahan ang kasong ito upang makakuha ng iba pang impormasyon sa pag-es­tablisa ng mo­tibo at pag­kilanlan ng suspect.

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

BILIBID VIEJO

CHAVEZ MA

GRANATE ST.

LESTER EVANGELISTA

LOYOLA ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with