^

Metro

3 holdaper arestado

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Nalansag ng pulisya ang grupo ng mga hol­da­per matapos mabaril ang isa habang nadakip naman ang tatlo na nangholdap ng mga pasahero ng jeepney kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala ng baril sa kanang hita ang isa sa mga suspek na si Jerson Manzano alyas Mac Mac, 18, ng Paradise Village, Letre, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Nakapiit naman ang tatlo pang suspek na sina Sherwin Llurag, 28, ng Magsaysay St., Brgy. San Agustin; Joshwell dela Cruz, 18, ng #147 Pitong Gatang, Sipac at si Christian Versoza, 18, ng #147 Gov. Pascual Avenue, Sipac, Navotas City.

Nabatid na hinoldap ng mga suspek ang pampa­saherong jeep (NXW-985) ni Enrico Naval, 47, sa ka­habaan ng Governor’s Pascual Avenue sa Brgy. Catmon kung saan nilimas ang kanyang kinita at mga mahahalagang gamit ng mga pasahero niya.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek at suma­kay sa traysikel ni Cesar Cabangon kung saan Ibi­nangga naman ni Caba­ngon sa nakaparadang pedicab kaya napilitan ang mga suspek na magsitakbo sa magkakahiwalay na direksyon.

Nakipagbarilan naman si Manzano sa mga pulis kaya tinamaan sa hita at tuluyang masakote. Na­kum­piska sa mga suspek ang mga tinangay na ma­hahalagang gamit at pera, jungle bolo at baril na gamit ni Manzano.

vuukle comment

BRGY

CESAR CABANGON

CHRISTIAN VERSOZA

ENRICO NAVAL

JERSON MANZANO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAC MAC

PASCUAL AVENUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with