^

Metro

Kelot hulog sa pampasaherong jeep, todas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay agad ang isang 45- anyos na lalake makaraang mahulog sa kalsada habang sakay ng isang pampasaherong jeepney sa may Katipunan Road, sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Carlos Rodriguez, 45, ng Block 2, Pook Po­laries, UP campus, Diliman sa lungsod.

Nakilala naman ang driver ng jeepney na si Crispin Mamamaril, 45, ng Pansol, Balara, sa lungsod.

Ayon sa ulat , nangyari ang insidente sa may Katipunan Road sa harap ng Nawasa Building sa lungsod dakong alas- 7:50 ng gabi.

Bago nito, sakay ni Mamamaril ang biktima patungong CP Garcia St., nang pagsapit sa Katipunan Road ay bigla na lamang nahulog ang huli sa kalsada.

Dahil sa pangyayari, nagtamo ng matinding pinsala ang katawan at ulo ng biktima na agad na ikinamatay nito. 

Patuloy ang pagsisiyasat ng TS3 sa nasa­bing insidente upang ma­batid ang dahilan ng pagkakahulog ng biktima, habang kasong reckless imprudence resulting in homicide ang kinakaharap ngayon ng suspect.

vuukle comment

AYON

BALARA

CARLOS RODRIGUEZ

CRISPIN MAMAMARIL

DAHIL

DILIMAN

GARCIA ST.

KATIPUNAN ROAD

NAWASA BUILDING

POOK PO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with