Caretaker patay sa sunog

MANILA, Philippines - Patay sa apat na oras na sunog ang isang caretaker nang ma-trap sa nasunog na gusali na kanyang binabantayan sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Kinilala lamang sa alyas na Deo ang biktimang idineklarang dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Naganap ang sunog dakong alas-4:57 ng umaga sa 3-storey building na pag-aari ng  Equatorial Realty Development Incorpo­rated sa #768 Quezon Blvd., Quiapo,  malapit sa C.M Recto Avenue. Nagsimula umano ang sunog sa mezzanine floor ng na­sabing gusali at hindi  agad nakalabas ang biktima, hanggang sa umabot sa ikatlong alarma ang sunog na idinek­larang fire under control dakong alas-8:44 ng umaga.

Tinatayang nasa P.5 million halaga ng ari-arian ang na­pin­sala sa naturang sunog.

Show comments