^

Metro

Construction worker sunog sa kuryente

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sunog ang buong kata­wan ng isang construction worker makaraang makur­yente habang nagkakabit ito ng kawad sa isang poste ng Meralco sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Patay sanhi ng 3rd degree burns ang biktimang si Danny Arasas, 28, ng West River­side Brgy. Del Monte sa lungsod.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, nangyari ang insidente malapit sa bahay ng biktima ganap na alas-9 ng gabi.

Ayon kay Steven Sabla­gan, saksi sa insidente, naghi­hintay siya ng pasahero sa may Frisco TODA tricycle ter­minal nang makita niya ang biktima na pumanhik sa poste ng Meralco. Mula sa itaas ay ikinabit uma­no ng biktima ang kawad hanggang sa bigla na lang itong makuryente at mag­ki­kisay hanggang sa mahulog paibaba.

Bukod sa tinamong pagka­sunog sa buong katawan, na­dagdagan pa ang pag­bagsak nito sa semento da­hilan para ito agad na masawi.

Samantala, isang welder ang iniulat na nasawi maka­ra­ang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin kahapon sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Elman delos Santos, 29, binata ng Macabo compound, Upper Banlat, Tandang Sora sa lungsod.

Patuloy naman ang imbes­tigasyon ng Quezon City Po­lice upang matukoy ang natu­rang salarin.

DANNY ARASAS

DEL MONTE

MERALCO

QUEZON CITY

QUEZON CITY PO

SHY

STEVEN SABLA

TANDANG SORA

UPPER BANLAT

WEST RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with