^

Metro

Trader todas sa riding-in-tandem

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang 58-anyos na negosyante nang pagbabarilin ng apat na kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo at tuma­ngay sa kanyang dalang bag na naglalaman ng perang idede­posito sa banko sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Jose Abad Santos Mother and Child Hospital ang biktimang si Valeriano Castro, ng Sto. Cristo St., Binondo, Maynila at may-ari ng Tony-Val Imported Fruit Store.

Sa ulat ni SPO4 Steve Casimiro ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:20 ng umaga nang huminto umano sa tapat ng naglalakad na biktima ang apat na mga suspect at barilin umano ito ng tatlong ulit. Patungo umano sa Allied Bank branch,  hindi kalayuan sa kanyang tindahan ang biktima upang magdeposito ng pera. 

Sa naging pahayag  ni Marissa Goden, 21, tindera ng bik­tima, narinig lamang sa amo ang katagang “Ano ba yan” bago binaril ng 3 beses at pinalo pa sa ulo ng baril kahit duguan na at tinangay umano ang kulay gray na bag na naglalaman ng pera na hindi pa mabatid ang halaga. 

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect lulan ng dalawang motorsiklo. Wala naman umanong nais na tumestigo sa kabila ng maraming nakasaksi sa pangyayari.

Nabatid na araw-araw umano kung magdeposito ng pera sa nasabing banko ang biktima na maaaring pinag-aralan ng mga suspect.

ALLIED BANK

BINONDO

CRISTO ST.

JOSE ABAD SANTOS MOTHER AND CHILD HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARISSA GODEN

MAYNILA

STEVE CASIMIRO

TONY-VAL IMPORTED FRUIT STORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with