^

Metro

Quarrying sa Pasig River nabunyag

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Itinuturing ng City Planning and Development Office (CPDO) ng Manila City Hall na isang quarrying ang ginawa ng Belgian contractor ng maghukay ito sa Manila Bay   bilang bahagi ng dredging project ng Pasig River Reha­bilitation Center (PRRC) sa Pasig River.

Sa panayam kay CPDO chief Engr. Melvin Balagot, ang malaking paghuhukay na ginawa sa   Manila Bay ay kuwestiyonable lalo pa’t hindi alam kung saan dinala ang mga buhangin na nakuha mula dito.

Ayon kay Balagot, sa naturang hukay sa Manila Bay inilagak ang mga basurang nakuha ng Belgian contractor sa Pasig River.

Dahil dito, sinabi ni Balagot na dapat ding ipaliwanag ng Belgian contractor kung saan dinala o ibinenta ang buhanging nakuha sa Manila Bay.

Sinabi ni Balagot na bagamat maganda ang hangarin na malinis ang   Pasig River, kailangan ding isaalang-alang ang kapakanan ng mga maapektuhan nito.

Dagdag pa ni Balagot, bawal ang quarrying lalo pa’t kuwestiyonable ang dredging project na nagkakahalaga ng P4.5 bilyon.

AYON

BALAGOT

CITY PLANNING AND DEVELOPMENT OFFICE

DAGDAG

MANILA BAY

MANILA CITY HALL

MELVIN BALAGOT

PASIG RIVER

PASIG RIVER REHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with