^

Metro

Manila dad kinuwestyon sa medical mission

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Kinondena ng isang ba­rangay captain ang motibo ni Manila 2nd Councilor Edward Tan sa paggamit umano sa Lion’s Club International upang magsagawa ng lib­reng medical check up at pami­migay ng libreng sa­lamin sa mga resi­dente ng Bgy. 175, Zone 15 sa pangu­nguna ni Emelita Ramos, isang em­pleyado ng Bureau of Internal Revenue at Pre­sidente ng Lakambini Lion’s­ Club.

Ayon kay Chairman Deng Lopez, nakakapagtaka na itinaon ang medical mission nina Danilo “Boy” Aberin na tuma­tak­bong ba­rangay chairman at Ignacio Ramos na tuma­takbong ka­gawad at asawa ni Emelita dalawang araw bago ang barangay elections­.

Sinabi ni Lopez na ang programang isinagawa ay posible umanong magamit ng grupo nina Aberin na sinusu­portahan ni Tan sa panga­ngampanya.

Ang paggamit sa tahanan ni Tan sa kanyang tahanan bilang darausan ng nasabing proyekto ay indi­kasyon umano ng kanyang pakiki­lahok sa barangay eleksyon na dapat sana ay non-partisan political activity.

ABERIN

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHAIRMAN DENG LOPEZ

CLUB INTERNATIONAL

COUNCILOR EDWARD TAN

EMELITA RAMOS

IGNACIO RAMOS

LAKAMBINI LION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with