104 huli sa liquor ban
MANILA, Philippines - May 104 katao ang nadakip kamakalawa ng gabi ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa ipinapatupad na liquor ban ng Commission on Elections kaugnay ng Barangay at Sangguniang Election ngayon.
Ayon kay QCPD director Chief Supt. Benjardi Mantele, ang mga naarestong kalalakihan ay mula sa iba’t ibang lugar sa lungsod matapos ang pagpapatrulya ng mga mobile patrol unit.
Base sa talaan ng QCPD, pinakamataas na istasyon ng pulisya na naka-aresto ng mga lumalabag sa liquor ban ay ang Police Station 6 na nagtala ng 43 katao; sumunod ang Station 11, 31 katao; Station 1, 20 katao; at Station 9, 10 katao.
- Latest
- Trending