^

Metro

Illegal recruiter timbog ng MPD

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Nabitag sa isang entrap­ment operation ang isang babaeng nagrerecruit ng mga babaeng patungo ng Korea at Japan matapos tanggapin nito sa isang complainant ang marked-money sa hinihinging  processing fee sa pangako na makakapagtrabaho sa Korea at Japan  sa loob ng isang fast food chain sa Ermita, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni C/Insp. Marcelo Reyes, hepe ng Manila Police District-General Assignment Section ang suspect  na si Rose­­lyn Adriatico, 38, na gu­magamit umano ng alyas na “Racquel”, ng A. Ma­ceda St., Sampaloc, Maynila.      

Sa ulat ni PO2 Reginald delos Reyes, dakong alas-3 ng hapon nang maaresto ang sus­pect sa loob ng isang fast­food restaurant sa Kalaw St., Ermita, Maynila.

Nag-ugat ang pagdakip nang maghinala ang walong biktima sa suspect na nagta­tago ito nang magkita-kita umano sila at makatunog na puro pangako lamang ang gina­gawa at hindi sila nakaalis sa itinakdang petsa.

Isa sa walong biktima ang tinawagan ng suspect upang hingan ng P40-libo para sa pro­cessing fee, nagkasundo sila na ireport sa pulisya at i-entrap ito. 

Ang mga biktima ay pa­wang mula sa Carmona Ca­vite na kung saan ay nag­bigay umano ang mga ito ng hala­gang mula sa P20,000, P30,000, P40,000 at P73,000, o P253,000 para sa pro­cessing fee.

Ayon sa isa sa biktima na si Marvie Birung, 30, naka­pag­bigay na siya sa suspect ng P73,000 upang makapag-trabaho bilang factory worker sa Korea. Pinangakuan din umano siya nito na tutulu­ ngan na maging legal ang papeles ng asawa na nasa Korea na at magbayad lamang ng P53,000 para sa visa nito.

Nangamba rin ang iba pang biktima nang hindi na sila sina­sagot ng suspect sa mga tawag nila at ibineripika sa Philippine Overseas Em­ploy­ment Agency (POEA) na hindi ito awtorisa­dong mag-recruit ng overseas workers.

vuukle comment

CARMONA CA

ERMITA

KALAW ST.

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MARCELO REYES

MARVIE BIRUNG

MAYNILA

PHILIPPINE OVERSEAS EM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with