MANILA, Philippines - Handa na ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa magaganap na pagboto ng mahigit sa 26 na libong preso sa magaganap na Barangay at Sangguniang Elections sa Lunes.
Ayon kay Senior Supt. Rosendo Dial, director ng BJMP, kasado na ang ipapatupad nilang seguridad sa buong bilangguan laban sa mga presong magtatangkang manggulo at tumakas sa pagsapit ng halalan.
“Sa ganitong pagkakataon, we are serious in terms of security” sabi ni Dial, sa isang press conference na ginawa sa main office sa Mindanao Avenue.
Sinasabing may kabuuang 25,431 preso sa may 61,000 preso nationwide ang nakapagparehistro para makaboto sa halalan sa Lunes, na ayon kay Dial ay wala namang magiging problema dahil mismong sa loob ng piitan sila boboto.
Samantala, 137 mula sa 432 piitan na binabantayan ng BJMP ang hindi nakapag-conduct ng registrations sa mga kadahilanan.
Sabi ni Dial, hindi nabisita ng local comelec ang ilang piitan sa pagsisimula ng registration dahil sa kakapusan ng Comelec officials.
Matatanggap naman ng BJMP ang resolutions sa Comelec sa pangunguna ni Atty. Tony Villasor para mabi bigyan ng karapatan ang mga preso para makilahok sa elections.
Nakasaad sa resolusyon ang guidelines sa pagboto lalo na ang hindi marunong bumasa at hindi marunong sumulat.
Umaasa naman si Dial na malaki ang turn-out of votes ng mga preso pagsapit ng nasabing araw.