^

Metro

Mister na may 2 pamilya nagbigti

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hinihinalang hindi na maka­yanan ang problemang pinan­siyal  sa pagkakaroon ng dala­wang pamilya ang dahilan nang pagbibigti ng isang 43-anyos, kahapon ng hapon, sa Tondo, Maynila.

Dakong ala-1 ng hapon nang idek­larang patay sa Mary Jhonston Hospital ang bikti­mang si Rodolfo dela Cruz, ng Tondo, Maynila.

Nabatid na alas-12 ng tang­hali kamakalawa ng mag­bigti ang biktima gamit ang isang plastic straw sa hagdanan ng inuupahan nilang bahay su­balit naisugod pa siya sa pagamutan ng live-in partner na si Lorie Vecina, 28.

Ayon kay Vecina, nabur­yong ang biktima dahil sa kaliwa’t-kanang problema sa pera partikular ang bayarin sa inuupahan nilang bahay at renta din sa bahay ng tunay na pamilya nito, pambayad sa hi­nu­hulugang motorsiklo, pam­bayad sa bill sa tubig at kur­yente at ang perang hiniram nilang puhunan sa kanilang paninda.  

Nalugi umano sa paninda ang magka live-in at muling nangutang upang simulan ang pagtitindang muli ng mga laruan sa Divisoria subalit masyadong nabibigatan sa kaiisip umano ang nasawi dahil magsisimula pa lamang ay mabigat na ang pangangailangan sa pera. 

Gayunman, iginiit naman umano ng mga kapatid ng bik­tima na imbestigahan si Vecina upang matukoy kung may foul play.

Sinabi naman ni Vecina na siya mismo ang kusang nagpa­pa-imbestiga sa MPD-Homicide Section upang patunayan na wala siyang kasalanan o gina­wang foul play.

vuukle comment

AYON

CRUZ

DAKONG

DIVISORIA

HOMICIDE SECTION

LORIE VECINA

MARY JHONSTON HOSPITAL

MAYNILA

SHY

VECINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with