^

Metro

Shabu den sa Pasay sinalakay: 13 arestado

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga tauhan ng Pasay Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group at Special Ope­ ra­tions Unit ang isang shabu den kung saan 13 katao ang nadakip, ka­hapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Napo­leon Cuaton ang mga na­dakip na tulak na sina Ri­cardo Ce­cilio, alyas Geng-Geng at Maricel/Mari­cris Sioson. 

Biniberepika naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa 11 pang katao na nadakip ng pulisya sa naturang pag­salakay at inaalam rin kung nahaharap ang mga ito sa warrant of arrests.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, isinagawa ang pagsa­lakay sa limang palapag na bahay na tinitirhan nina Ce­cilio at Sioson dakong alas-4:30 ng madaling-araw.  Ito’y makaraan ang ilang araw na surveillance opera­tion na isinagawa ng pulisya kung saan nakumpirma ang tran­saksyon sa iligal na droga at pag-score ng mga user ng shabu sa naturang lugar.

Isinagawa ang pagsala­kay sa bisa ng search war­rant na inilabas ni Judge Edwin Ra­mizo ng Pasay Regional Trial Court Branch 114. 

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang madis­kubre sa loob ng kanilang mga bahay ang tinatayang nasa 50 gramo ng hinihi­nalang shabu, timba­ngan, P15,000 na kinita ng shabu den sa isang araw at iba’t ibang shabu para­phernalia.

vuukle comment

BINIBEREPIKA

CUATON

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

JUDGE EDWIN RA

PASAY CITY POLICE

PASAY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SHY

SIOSON

SPECIAL OPE

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with